Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng tatlong palapag na Doña Francisca Barangay Hall sa Lungsod ng Balanga.
Ang bagong pasilidad na may sukat na 864 metro kuwadrado ay pinondohan mula sa 2024 national budget sa halagang P19.34 milyon. Ito ngayon ay nagsisilbing mas maluwag at mas maayos na lugar para sa mga aktibidad at serbisyo ng barangay, kapalit ng lumang opisina na nasa loob ng gusali ng mga Senior Citizens.
Kabilang sa mga tampok ng bagong barangay hall ang pagkakabit ng Closed-Circuit Television system, power generator, water pump system, public address system, at matitibay na bakal para sa mas matatag na estruktura. Bukod sa pagiging sentro ng serbisyo publiko, nakalaan din ang gusali bilang evacuation center sakaling may sakuna, na magbibigay ng ligtas at kumportableng kanlungan para sa mga residente.
The post DPWH natapos na ang bagong P19.34-M barangay hall sa Balanga City appeared first on 1Bataan.