Pumasa ang 1,975 sa 3,444 na kumuha ng April 2025 Midwife Licensure Examination (MLE), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), na katumbas ng 57.35% passing rate.
Nanguna sa pagsusulit si Rona Marie Villaflor Ramos mula sa Bataan Peninsula State University – Main Campus na nagtala ng 92.60%. Pumang apat si Arian Rosales Villaganes -92.25%
habang pang pito naman si Roberto Andrade Sibugan Jr. – 91.95%. Silang tatlo ay pawang nagtapos sa Bataan Peninsula State University.
Itinanghal ding Top Performing School ang Bataan Peninsula State University – Main Campus matapos makapagtala ng 100% passing rate.
Para sa kumpletong listahan ng mga pumasa, bisitahin ang: prcboard.com
The post Bataena, nanguna sa April 2025 MLE appeared first on 1Bataan.