Dahil na rin sa sunud-sunod na aksidente sa fly-over sa Barangay Ala-uli, Bayan ng Pilar ay minabuti nina Mayor Charlie Pizarro at Cong Abet Garcia na magtayo ng sub-office ng PNP-MBDA sa mismong ilalim ng fly-over sa nasabing lugar upang agad-agad ay maka- responde sa anumang insidente.
Ayon kay Mayor Pizarro kung noon ang nasabing crossroad ay prone sa aksidente ngayon ay hindi pa rin nawawala ang mga pasaway na driver na kahit may karatula na bawal ang malalaking truck na umakyat dito ay mayroon pa ring nais lumusot , kung kaya’t mismong si Cong Abet Garcia na ang nagsabi na tayuan nila ng satellite office ng PNP-MBDA, ang mismong ilalim ng tulay para madaling rumesponde sa anumang insidente.
Isang magandang halimbawa gaano man kaliit ang tanggapan ay mas malaki ang magagawa para mapaigting ang kaligtasan at kapapayaan sa nasabing lugar.
The post Tanggapan ng PNP-MBDA sa ilalim ng tulay appeared first on 1Bataan.