Malugod na tinanggap ni Bataan 2nd District Congressman Abet Garcia ang pagbisita ni G. Willy Keng ng Century Peak Holdings Corp. sa Bataan noong Sabado, ika-24 ng Mayo, kung saan sila ay nagsagawa ng isang ocular inspection sa dalawang bodega na matatagpuan sa loob ng 1Bataan Command Center compound sa Orani.
Ang nasabing mga bodega ay kasalukuyang pinag-aaralan upang gawing Rice Trading Facility. Binisita rin nila ang Almacen Orani River, malapit sa Orani Fish Landing and Trading Facility, kung saan tinalakay ang planong dredging ng Almacen Orani River upang mapabilis ang daloy ng tubig nang sa gayon ay maiwasan ang pagbaha sa nasabing lugar.
Kabilang sa mga nakasama sa nasabing ocular inspection sina Hermosa Mayor Jopet Inton, Orani Mayor Bondjong Pascual, Orani Mayor-Elect Jon Arizapa, Vice Mayor Em Roman, Mines and Geosciences Bureau Regional Director Noel Lacadin, Department of Agriculture Asec. Atty. Joyce Panlilio, at mga kinatawan mula sa Bataan 1st District Engineering Office at Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan.The post Rice trading facility at dredging project, tinalakay appeared first on 1Bataan.