Isang simple at maliit na grupo lamang ng mga malalapit na kasamahan sa pamumuno ni Provincial Director Marites Salvadora, ang sumalubong kay PLTGen Benjie Silo Jr. sa lalawigan nitong nakaraang Biyernes, Mayo 23.
Nakatakdang mag retiro si PLTGen Silo Jr. sa serbisyo sa darating na Hunyo 3, kung kaya’t sinisimulan na niya ang pagbabalik-tanaw sa mga magagandang accomplishments, ala-ala, at pangyayari sa kanyang mga naging areas of assignment.
Mula sa CIDG San Fernando City, Pampanga, kung saan siya ay naging CIDG Regional Director, tumuloy sila e sa PPO Bataan gayundin sa mga bayan ng Mariveles, Orion, Balanga City at Abucay PNP, kung saan naman nahasa ang kanyang kakayahan sa pagiging COP.
Sa PPO Bataan ay nagbigay siya ng magagandang payo kung papaanong ang isang simpleng pulis na katulad niya ay naabot ang mataas na ranggo ng pulis sa PNP. Ayon pa kay PLTGen Silo, mahalaga sa isang pulis ang pagiging mapagpakumbaba, may tamang pokus sa kanilang trabaho at tunay na gumagawa ng kabutihan para sa mamamayan.
Matatandaang sa termino niya bilang Bataan Provincial Director nakamit ang kauna unahang pagkilala “Drug- Free Province” ng Bataan sa buong bansa.
The post Pagbabalik-tanaw ni PLTGen Silo appeared first on 1Bataan.