Likha ng Bataeño goes national

Philippine Standard Time:

Likha ng Bataeño goes national

Di pa man natatapos ang Balik Eskwela Diskwento Caravan sa Plaza Mayor de Ciudad de Balanga na inilunsad ng Dept of Trade and Industry (DTI) Bataan nitong May 13, ay pinaghahandaan na nila na i-promote ang mga produkto ng lalawigan sa ibang lugar.

Ayon kay DTI Provincial Director Eileen Ocampo naghahanda na ang mga MSME’s na sasali sa “Likha ng Bataeño goes National”, na gaganapin sa Taguig City sa May 20-25, 2025. Malaking tulong umano ito sa ating mga negosyante na makilala ang kanilang mga produkto sa ibang lugar. May gaganapin ding “Bookkeeping Seminar for Cooperatives” sa bayan ng Samal sa May 23 at sa May 24 naman ay may seminar sa bayan ng Bagac, ” How to start a Small Business cum Money Management”.

May 67 MSMEs ang lumahok sa nasabing caravan kung saan 19 dito ay mula sa Marikina (7), Manila (3), Pampanga (1) at Nueva Ecija (8), at 48 naman ang taga Bataan kasama ang KAANIB ng DA at COB KADIWA store.

Ayon naman sa mga exhibitors, sinabi nilang maganda daw ang sales dahil ang caravan ay natapat sa Midyear Bonus ng mga empleyado, na talagang bibili ng mga gamit pang Eskwela para sa kanilang mga anak at iba’t ibang produkto rin.

The post Likha ng Bataeño goes national appeared first on 1Bataan.

Previous Free meat processing training for Hermosa mothers

Leave Your Comment

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.