Mas ligtas na ngayon ang pamumuhay ng mga residente ng Barangay Talisay nang matapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 125-lineal-meter flood control structure sa kahabaan ng Talisay River.
Ayon kay DPWH Bataan 2nd OIC-District Engineer Roland Rainier Victorino, ang P39.2-milyong proyekto mula sa 2024 national budget ay makatutulong upang maiwasan ang pag-apaw ng ilog tuwing may bagyo o malakas na pag-ulan, na dati ay nagdudulot ng pagbaha sa mga kabahayan.

Bukod sa mga embankment, retaining wall, at drainage system na bahagi ng flood control, itinayo rin ang Disiplina Park—isang maliit na community space na may mga pasilidad para sa pagtitipon at mga aktibidad ng komunidad, bilang bahagi ng layunin ng DPWH na pagsamahin ang kaligtasan at kaunlaran sa mga proyektong pang-imprastruktura.
The post Flood control project ng DPWH, hatid ay ginhawa sa mga Balangueno appeared first on 1Bataan.