Upang higit pang paunlarin ang ani ng kanilang mga magsasaka at mangingisda, ay pinasimulan na ni Mayor Cynthia Estanislao ng bayan ng Morong ang KADIWA ng Pangulo sa Brgy. Binaritan noong ika-25 ng Abril.
Ayon kay Mayor Cynthia, naglabas ng Municipal Ordinance no. 307 series of 2025 ang kanilang Sangguniang Bayan para sa schedule ng KADIWA ng Pangulo sa bawat barangay, Miyerkules kada buwan. Unang Miyerkules ito ay gaganapin sa Brgy Mabayo, ikalawang Miyerkules sa Brgy Nagbalayong, ikatlong Miyerkules sa Brgy Sabang at ika-apat na Miyerkules o huling Miyerkules ng kada buwan ay sa mga Brgy Poblacion at Binaritan.
The post KADIWA ng Pangulo sinimulan na sa bayan ng Morong appeared first on 1Bataan.