Ito ang naging emosyonal na mensahe ni Cong. Geraldine Roman ng Unang Distrito ng Lalawigan sa mga kababaihan sa huling yugto ng selebrasyon ng ika-28 taong anibersaryo ng KABAKA na naganap sa bayan ng Orani.
Sinabi ni Cong. Geraldine na sa puntong iyon ay nalulungkot siya dahil huling taon na ng kanyang paglilingkod pero mariin niyang sinabi na tutulong pa rin siya kahit tapos na ang kanyang termino at paglalaanan niya ng serbisyo ang mga kababaihan partikular na ang KABAKA.
Dagdag pa niya na nais niya na maging malusog ang mga kababaihan at magkaroon ng legal awareness para malaman ang kanilang mga karapatan lalo na at mayroon umanong free legal assistance si BM Atty Tonyboy Roman.
Sa kanyang pagbabalik-tanaw, siyam na taon ang nakararaan, sinabi nitong noong siya ay nagpapakilala pa lamang ay buong puso siyang tinanggap ng KABAKA, kung kaya’t Malaki ang utang na loob niya sa KABAKA.
Ibinalita rin ni Cong Geraldine ang mga serbisyong itinulong niya sa mga kababaihan tulad ng mga social services na Tupad, Akap at Aics gayundin mga medical assistance na ayon sa kanya na, kadalasan ay 100% na naibibigay ng kanyang pondo.
Nandon din sa nasabing selebrasyon sina dating Congresswoman Herminia Roman, Konsehala Abba Sicat, Pusong Pinoy Partylist Rep Jett Nisay, Bokal Jomar Gaza, Bokal Benjie Serrano Mrs. Mylene Serrano, Dr. Bong Galicia at BM Atty Tonyboy Roman.
The post Cong. Geraldine tutulong pa rin kahit tapos na ang termino appeared first on 1Bataan.